Altruismo. Ang proporsyon at antas kung
saan ang isang tao ay handang isakripisyo ang kanyang sariling kapakanan para
sa ikabubuti ng komunidad (sa pamamagitan ng pagbibigay, kababaang-loob, pagsasakripisyo
ng sarili, dangal ng komunidad,pagsuporta sa isa't isa, katapatan,
pagmamalasakit, pakikisama, pagkakapatiran);
Karaniwang mga Kaugalian. Ang
antas kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay mayroong iisang kaugalian,
lalo na ang ideya na sila ay kabilang sa iisang grupo na hinahalinhan ang mga
interes ng mga miyembro nito:
Serbisyong
pang-Komunidad. Mga pasilidad at serbisyo (tulad ng mga kalsada,
palengke, maiinom na tubig, edukasyon, serbisyong pang-kalusugan), kanilang
pangangalaga (maaasahang pagpapanatili at pag-rerepara), pagsusustina, at ang
antas kung saan ang lahat ng miyembro ng komunidad ay nagagamit ang mga ito;
Mga Komunikasyon. Sa isang komunidad, kasama sa
komunikasyon ang mga kalsada, elektrisidad (telepono, radyo, telebisyon, InterNet),
inilathalang medya (dyaryo, magasin, libro), mga network, mga lenggwaheng
naiintindihan ng lahat, karunungang bumasa at sumulat at ang pagkukusa at
abilidad na magkipagkomunika (na kailangan ng
Kumpiyansa. Gaano kalaki ang kumpiyansa na
pinagsasaluhan ng buong komunidad? halimbawa, ang pagkakaintindi na maaaring
makamit ng komunidad ang kung ano man na gawaing minimithi nito, positibong
ugali, pagkukusa, motibasyon sa sarili, pagiging masigasig, optimismo, umaasa
sa sariling kakayahan, pagkukusang ipaglaban ang kanilang mga karapatan,
pag-iwas sa kawalang-pagpapahalaga at pag-asa sa kapalaran, isang pangitain sa
kung ano ang posible;
Kaugnay na Kahulugan
(politikal at administratibo). Ang
kapaligiran na sumusuporta sa pagbibigay-lakas ay may kasamang politikal (mga
kaugalian ng mga pinuno, batas, at lehislasyon) at administratibo (ugali ng mga
empleyado ng gobyerno, pati na rin mga regulasyon at alituntunin) elemento, at
ang kapaligirang legal;
Impormasyon. Ang
abilidad sa pagproseso at analisa ng impormasyon, ang antas ng kamalayan,
kaalaman at karunungan na matatagpuan sa mga mahahalagang tao at sa grupo
mismo. Kapag ang impormasyon ay mas epektibo at nakakatulong, hindi lang mas
lamang sa dami at bilang;
Pakikialam. Ang saklaw at pagiging epektibo
ng animasyon (pag-mobilisa, pagsasanay sa pangangasiwa, pagtataguyod ng
kamalayan, pagbibigay-sigla) ay nakatutok at nagpapalakas sa komunidad? Ang mga
panlabas o panloob na pinagmumulan ba ng pagkakawanggawa ay nagpapahina lamang
sa komunidad, o hinahamon ba nito ang komunidad para maging mas malakas? Ang
pakikialam ba na ito ay nakakapagsustina o dumedepende lamang sa mga desisyon
ng mga taong mula sa labas na mayroong ibang mga layunin na hindi katulad ng sa
komunidad?
c. Ang mga pinuno ay mayroong
kapangyarihan, impluwensya, at abilidad na pagalawin ang komunidad. Ang
pinaka-epektibo at pamumunong nakakapagsustina ay sumusunod sa mga desisyon at
kagustuhan ng komunidad, at gumaganap sa katungkulang nakaatas. Ang mga pinuno
ay kailangang mayroong kakayahan, pagkukusa, katapatan at karisma;
Networking. Hindi ito nakabase sa
"ano ang alam mo" kundi sa kung "sino ang alam mo." Gaano
kalawak ang saklaw ng mga miyembro ng komunidad, lalo na ang mga pinuno,
pagdating sa mga kilala nitong tao (at ang mga ahensya at organisasyon) na
makapagbibigay ng mga materyales na makatutulong sa pagbibigay-lakas sa buong
komunidad? Ang mga mahahalagang koneksyon, potensyal at naisakatuparan na, sa
loob ng komunidad at pati na rin ang mga nasa labas nito;
cc. Ang antas kung saan ang iba't
ibang mga miyembro ng komunidad ay nakikita ang kanilang mga sarili na
gumaganap sa mga tungkulin sa pagsuporta sa buong (kumpara sa pagiging isang
grupo lamang ng mga tao), kasama ang integridad na pang-organisasyon, struktura,
alituntunin, mga proseso sa paggawa ng desisyon, pagiging epektibo, paghahati
ng gawain at pagtatama-tama ng tungkulin at gawain;
cc. Ang antas kung saan ang komunidad ay
maaaring lumahok sa paggawa ng desisyong nasyonal at pang-distrito. Tulad ng
pagkakaroon ng mga tao ng kapangyarihan sa kanilang komunidad, ganoon din ang
pagkakaroon ng kapangyarihan at impluwensya ng komunidad sa distrito at nasyon.
Kakayahan.
Ang abilidad, na ipinapakita ng mga indibidwal, na makakatulong sa pag-oorganisa
ng komunidad at ang kakayahan nito na maisagawa ang mga gawaing kailangang
tapusin, mga kakayahang teknikal, pangangasiwa, pang-organisasyon,
mobilisasyon;
Tiwala.
Ang antas kung saan ang mga miyetmbro ng komunidad ay nagtitiwala sa isa't isa,
lalo na ang mga pinuno at tagapaglingkod ng lipunan, na kung saan ay
nagpapakita ng antas ng integridad (tapat, maaasahan, bukas, mapagkakatiwalaan)
sa loob ng komunidad;
Pagkakaisa.
Ang paniniwalang nabibilang sa iisang grupo (halimbawa: isang grupong bumubuo
sa komunidad), kahit ang bawat komunidad ay mayroong mga dibisyon at iba't
ibang paniniwala (relihiyon, klase, estado, kita, edad, kasarian, pinagmulan,
angkan), ang antas kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay handang makisama
at tanggapin ang mga pagkakaiba ng isa't isa, na may iisang layunin o bisyon,
iisang kaugalian;
Yaman.
Ang antas kung saan ang buong komunidad (kung ikukumpara sa mga indibidwal sa
loob nito) ay mayroong kontrol sa mga aktwal at potensyal na mga pinagkukunan
ng yaman, at ang produksyon at distribusyon ng mga nagkukulang at makatutulong
na produkto at serbisyo, pinansyal at hindi pinansyal (kasama ang donasyong
paggawa, lupa, kagamitan, suplay, kaalaman, kakayahan).
Kapag
ang komunidad ay mayroon ng mga katangiang nabanggit, mas malakas ito, mas
malaki ang kapasidad, at mas malakas ang loob. Ano ang ating inaasahang
pagbabago sa bawat elementong nabanggit?
Habang
ang bawat isa sa mga elementong ito ay pansarili, kailangan nating magsikap
para masiguro na tayo ay gumagamit ng parehong pangsukat sa kung paano ito
ngayon, paano ito noon, at paano ito limang taon na ang nakakaraan.
(ccto)